Insanify
Dahil kailangan ko na uli mag-organize, aabot na rin kasi sa 2 months yung entries ko sa windows calendar, at marami talaga ko kailangang ayusin, lalo na’t nauubusan ako ng oras para sa mas “di-mahahahalagang” mga bagay. At dahil nacornihan ako ng husto sa sarili ko kanina.
Ayun. Matapos ang lima? Ay, tatlo lang. Tatlong taon, bumalik ako sa dating gawi, (ay apat ata). Naulit ang mga bagay kahit sandali lang, at nakita ko sarili ko muli na kini-kwestiyon lahat ng ginagawa ko. Kanina habang bumibili ng masarap na malamig na one-liter C2, naisip ko, magpabasa kaya ako sa ulan, at magpakasaya. Kaso, alam na alam kong magkakasakit ako pagkatapos. Mahihirapan sa pag-uwi. Tapos na yata ako sa mga ganun.
Naglalakad na naman ako sa tausend insel Taft. Natalsikan rin ako ng baha, kaya napalinis ako ng bag ko. Pati ng electric fan. At naglaundry na rin. Masayang may na-aachieve. Kaso sa mga bagay-bagay ngayon, naisip ko na kailangan na ngang magtala, lalo na’t kailangan gumawa ng paper tungkol sa internship na dalawang buwan na ang nakalipas, nakalimutan ko isipin ng isang buwan halos. Hindi rin kasi ako gumawa ng talaan. Nawawala pa ata yung time table ko.
Dahil kadiri rin ako sa kabibohan sa PI 100, at dahil nadaanan ko yung ilang mga nabanggit, at dahil lumagpas na ako sa small talk milestone ko. Masasabi ko na normal na yata akong tao, 95% na. A year ago, nasa 50-60% lang. Two-Seven years ago, 5%. Sa anim na buwan kong namuhay sa ngayon– sa Now, nakamit ko naman ang mga inihatag kong mga ninais mabago. Malaking pasasalamat sa iyo—
Pero normal na ata ako, pero mas abnormal na problema ko ngayon. Napagtanto ko na naghihintay na ko, nang tahasan, sa agos. Andami ko tuloy naiwan. Kung tutuusin matatapos ko na lahat yun, nito lang, naset na yung stage, i-act out ko na lang. Kaso nga, nawawalan ako ng gana.
Dahil palibhasa, may ibang mga sagot sa mga problema.
Buti na lang mas maunawain na akong tao.
Hindi na nga ganun kabigat mga subject ko, saka pa ko nawalan ng gana. STS, MS 1, PI 100, CW 151 na Young Adult Literature (na di pala sobrang intense), kaso Film 200 pa, ang kaganapan ng aking pagiging filmmaker kuno. Pati rin pala Film 132 ata yung documentary film. Na lahat ay di naman ganun kahirap gawin, except yung Film 200. Ang hirap talaga sa creative courses kapag walang wala kang gana at pera pampagana (yung pondo para sa karangyaang wala).
Yung oras na dapat iginigugol ko sa panonood ng pelikula, napupunta sa ibang mga bagay, lalo na sa pagtulog. Buti na lang tambay na ko ng library ngayon. Gusto ko talaga umulit. Sobra.
Kaya ito ngayon, magsusulat na uli ako, tungkol sa wala, ang aking specialty.
* * *
Kung tutuusin, mas masarap may kausap. Kaso kumakaunti na ang mga sinasabi ko sa pagdaan ng panahon. Kaya, dito na lang uli, sa sulok na di matatagpuan. Dalawang oras na nilaan para sa walang katuturang talakayan.
Hello and mabuhay.
* * *
Sabi kanina ni vice chief s ng EEE, live long and prosper.
Natutunan ko uli na si TH Pardo the traitor na sila pala yung binullshit ni one luna. poor chiching, at maming, shot by the fiery lunas.
Naalala ko pala na kailangan ko magbasa ng marami pang mga voltaire.
Naalala ko rin na kailangan ko gumawa ng twenty page essay tungkol sa isang bagay na nakalimutan ko na.
Ayun pa pala, gusto ko sana maglaan ng ilang mga oras para magbasa tungkol sa maaarine science sa library mismo. Bilang review.
Nakakalimutan ko rin pala mga natutunan ko, well at least buo ang diwa. Ibig sabihin lang nun, kailangan ko pa magbasa-basa pa ng marami. Para saan? Wala actually.
At sa totoo lang parang andami kong ginagawa, na talaga namang significant, sa context ng pagsusulat ko tungkol sa buhay-buhay, na hindi ko sinusulat.
Kailangan ng talaan!
Namimiss ko na magalit. Shit!
– baha kanina sa taft to city hall
Too Much.
Anyway. Bago ko gumawa ng malaking kalokohan, at magbulalas ng mga wala, kailangan isipin ko muna sasabihin ko, at wag mag alt-tab sa kahit ano.
Earlier on, I felt so bad that I took out the left over chicken from new year’s and fried it, drank a whole lot of coke, and sat, watching this thing called my most favorite show of all time. Suddenly, I realized, why the hell am I watching this terrible show that is always full of itself. I know these guys are great, but why are they putting it out like this? I know! Because, they are just being themselves, and I can’t do anything to appeal to them because they are thousands of kilometers away, and there are other millions of fans just like me. They won’t change because of me.
Sa sobrang pathetic nung palabas na nagtaka ko na 1 hour pala halos, inisip ko talaga, ano ba to, sumusubok pa ba to? Kaso nagulat ako patapos na pala. Which means ang interest ko ay crescendo. Yuck! Ibig sabihin, natutuwa na ko nung huli, gusto ko pa, kahit na bwiset na bwiset na ko, first fifteen minutes pa lang. Tapos gusto ko pa panoorin ulit ngayon.
Kaso di ko na yun gagawin dahil malapit na mag 7am.
Kaso uli, lagi ko cinocorrect sarili ko. Ako ay isang taong self reflective, at mahilig akong icontradict sarili ko. Wala namang masama kung gusto ko ayusin lagi sarili ko no. Ewan ko. (Ayan ginawa ko uli.)
Anyway, kanina, akala ko naka-apak na naman ako ng inspiration, kasi ampanget ng pakiramdam ko, sabi ko gagawa na ko ng something called-”It’s All Too Much” post. Kaso, napag-isa lang ako sandali, I mean, total silence, naisip ko na, hay ang oa ko lang, intindihin ko dapat yung isa, Kaso uli, fresh na uli yung naramdaman ko kanina.
Eto yun. Naalala ko kasi kung bakit ganito ako, kung bakit lagi akong nags-set-up ng line ng mga gagawin ko, kung bakit lagi ko iniisip mga ginagawa ko (na sa totoo ay lang di ko na maalala ngayon, kasi inaantok na ko, at kanina ko pa nabuo yung iniisip ko na yun at nakalimutan ko na), at lalo na yung, “di ko yun gagawin” part. Ewan ko, Nababadtrip kasi ako, kapag nag-invest ako tapos di ko naman makukuha yung payment. Pero, I don’t wanna be that guy who gives everything, what a sorry picture. Ayoko ng taong walang respeto sa sarili. Ayoko madiri sa sarili ko. Nakita ko lang sarili ko nakikipag-usap sa taong hindi nagrereply, namamatay ako inside. Naalala ko yung mga dati kong pauso na: “alam kong hindi ka magrereply, pero sasabihin ko pa rin to” Yuck uli! Masyado akong nagpapasaya ng mga tao, at nagagalit ako kapag may tao akong pinasaya na ayoko. Well hindi naman sa nagagalit, pero ayaw ko lang nun. At napapathetican ako sa sarili ko kapag 5:1 ang nangyayari, 5 lines, 1 line reply. Kawawa naman ako, parang trying too hard. Isipin mo, 10 hours ako online, tapos wala ko ibang ginagawa, naghihintay lang ng reply. Kaso, iba yata ginagawa ko sa sinasabi ko. Ayoko man, napipilitan ako gawin yun. Kasi hindi ko rin naman matiis yung tao. Yuck uli. Buti na lang ngayon, hindi na ko ganun ka-bulag. Ang isa lang talaga sa kinaiinisan ko e, masaya yung tao dahil pinasaya ko. Tapos irereject ka pagkatapos.
Kaso ganun lang talaga ang buhay.
Tingnan mo kung hanggang saan umaabot kapag may self esteem problems ka. Naninira ka ng ibang tao. I mean, ginagawa mo silang alcoholic, smoke-aholic, vice-aholic, life-hater. Bawat araw sasabihin ka ng: “buti ka pa masaya”. Lagi silang nakaupo sa tabi ng ilog, ng lake, ng open field, at nakatunganga, or naninigarilyo. Dati wala ako pakialam, pero ngayon, galit na lang ako. Parang ang healthy magalit.
Ayan. Anyway natutuwa ako dahil hanggang ngayon may self esteem problems ka pa rin, good luck with that. Ayoko na maging bitch mo. although self-imposed bitchness yun, sorry kasalanan ko, nagpa-uto ako sayo. Aaaand, so long. Enjoy your hell.
Hay ansarap sabihin.
Anyway, ansama ko uli. Lagi naman akong masama. So walang bago dun.
Dami ko inconsistencies sa sarili ko, at mahirap alisin yun, at least sinusubukan ko. Hindi ko na kasi masyado iniisip buhay ko. Anyway, basta dapat, ang constant ay lang, everyday, I should be a day wiser. Kung may tinuro saken elementary school years ko ay, maghanap ng “moral lesson”.
Anyway. If-flatter ko pa sarili ko kung sasabihin ko na 3 tao nagbabasa nito (kasama na ko sa bilang na yun), andami-dami mo palang ginawa para saken, at maraming salamat, and I love you for that!
Elsewhere
Kelan ba ko huling napa-away? Hindi ko na maaalala! Sa totoo kasi, kapag tumatanda ka, di ka na makikipag-away gaano, o kaya, hindi na lumalaban mga inaway mo.
Pinaka-huling suntok na tinapon ko ay dun kay Mr. A.D., na hindi gumanti, pero sobrang lakas nung suntok ko na yun a. Full swing yun. At yun ay 4th year high school lang. Although marami akong gustong sapakin sa college, marami ring malalaking tao dun. Ang latest na sugat ko ay mga self-inflicted, super hydrated ang balat-nagasgas sa floor ng pool, na-excite — tumama tuhod sa computer table. Hmp.
At nandito ako sa kama ko, nagrerecreate ng mga battles. Kahit na I have conquered Europe down to Outremer as the English, the whole Northern Europe until the eastern cities of Russia as the Holy Roman Empire, pati, the whole of Eastern Europe as the Teutonic Order, the whole of Outremer as the Kingdom of Jerusalem, madami pa. My cavalry rode through insurmountable odds and trampled down the sturdiest knights Europe has to offer. Kaso, I’m a sorry-ass bitch. I wake up late for school, I’ll be spending an additional year for school, my pants don’t fit right, my shoe laces always get untied, my bag’s zipper sucks. I hug my pillow as I watch after downloading episodes of this girly show. Tapos, I always picture myself somewhere else.
After a few days, babalik na uli ako sa routine ko – and god knows what else.
Seryosohang usapan, marvin-a-year-ago, magugustuhan mo ba si marvin-now? Kaso, si marvin-a-year-ago, ay mapapa-meh, pero ok pa rin, kasi, nasa shit hole si marvin-a-year-ago, anything would be good. Anyway, ok pa rin to, nakahiga sa cute na bedsheets na medyo comfortable, tapos may nakakalat na bucket meal sa labas at masarap na coke. Saka, ang ganda ng laptop ko, fuck you old-marbin! At, ewan ko na sa susunod.
Ang wish ko na lang ngayong bagong umaga ng bagong taon, sana, sana lang talaga, hindi na ko mag-iisa sa kahit anong ginagawa ko. Hmp.
Sigh
Isang quick assessment, what do I feel right now?
Nangangati ulo ko dahil nililipad ng fan ang buhok ko, at tumatawa sa kung saang parte ng mukha ko. Nilalamig rin ako dahil tumatama sakin yung electric fan. Dahil rin siguro, umiinom ako ng malamig na coke. O kaya, pasko ngayon at kung ano pa.
Bigla ko ring napansin na naka simangot ako.
At kumakanta ako ng It’s A Hard Life ng Queen, na napakaganda.
Christmas feels a little better already.
Thanks.
and it’s not because of you!
umaga na wtf.
Patunog
Pagkatapos ko gawin itong isang pic, well, a picture that I purposedly posed for, and edited purposely thereafter, sabi ko, it is good. Tapos nagtanong ako sa mga tao, what do you think of this? I got mixed responses.
Pero sabi ko nga kanina, habang tinitingnan maigi yung pic, omg, astig, di ko to inaasahan nung ine-edit ko. Hanggang ngayon tinitignan ko pa rin ulit, itong bagay na ginawa ko in less than 5 seconds where I decided on a few things, before I finally clicked saved as, and it is now a finished picture.
I won’t have to write about this, but seeing that three instances of the same musing has happened this day already, here it is.
Tulad ng sasabihin ng ibang tao, I found this beautiful when I wrote it, and so, it stays.
* * *
Nasan na ba ko, buti na lang na-regain ko na sarili ko, dahil nababaliw nako sa onset ng aking antok, at dahil sa half shot ng scotch, na wala dapat effect. Nandito na uli ako, nakahiga sa harap ng masaya at nasa harap ng laptop nagttype.
Eh kaso bago ko ituloy sinasabi ko kanina naghahanap pa naman ako ng music na mag-s-suit sa aking mood. Na nakalimutan ko na, pero dahil dun, chineck ko downloads ko at pnreview ang Sunset Blvd, at, oh boy, am I little excited on seeing this film in its entirety. At kanina, habang kumukuha ng inumin sa ref, itong ref na dindeclare ko lang kanina, if I have my own refrigrator, I will turn it into a liquor cabinet. Kaso, for now, nakikihati ako, pero may laman yung 150 peso vodka, almost empty jager, a half bottle of scotch. at tubig, at kung anong wala. Sabi ko sarili ko, it may not look much, but this is what I have now, and I will look back on this day, this day where there’s a person sleeping on my floor whose bedding I prepared, my sister’s homework which I was supposed to do, sits nicely, weighted by my industrial fan, and still a couple of homeworks left undone, and I think there might be an exam this following morning, even though I look back on things that has passed, I seem to forget to look on the present, and how it immediately becomes a part of the past, the moment I take notice of it. And these things right here, my family guy mouse pad, my shot glass, my shoulder bag with the broken zipper, this headphone with a roll of masking tape at one end, this cracked lips, this night of endless comfort that always ends up with the frustration of the coming morning, these things, these are what dreams are made of.
I would like to think that watching How I Met Your Mother with a weird buddy, playing as a mad doctor in a Hitchcock inspired class presentation, being talked down by my thesis adviser for tardiness issues, and learning things for the first time over and over again, make up a huge part of what I’m trying to be. But somehow some things that I remember clearly and completely forget about on some other days, these things make up more of who I am, and who I will still be. I still remember listening to Revolver’s Here, There and Everywhere on that bus ride, viewing endless crops, and electric lines, holding this someone as she sleeps by my shoulder. That moment when that jeepney turned the corner near my baptismal place and the golden light of the streetlamps shone on her face, lighting it up , as she looks at me, smiling. Even that moment, under the stars, near the seashore, with all the people around, and the coldness of dawn, I slept outside, above the sands, wrapped in my malong. That day in October, where after delaying my departure in anticipation, I saw my chance, and kissed this girl on the cheek, and fled. During the rush of dusk, and of traffic, I pressed my lips against this girl’s head. And other things, mean things, and things that have not yet happened, but will happen still, I don’t know what they will be, but I will be happy, or as someone will put it, euphoric, they have happened and that they will happen.
Kaso, nagsasalita na naman ako sa ilong ko, at habang kinakagat pa ng lamok na di ko tiyak kung ilan, pero siguradong nangangati mula sa di kukulang na tatlong kagat ng lamok. Kailangan ko gumising mamayang 8, or at least, bumalik sa dati kong ginagawa mamayang umaga, naglalakad, nawawala, naglalakad dito sa malaking kawalan.
Hay nako, kaunting ipit, kaunting dulas. Kaunting pilit, kaunting piglas.
Mawawala na ulit ang inipon kong kaunting pagdarama, mamayang umaga, balik na uli sa
———— kaunting lingon, kaunting imik, kaunting panahon, kaunting hiling
Malaking wala, walang pagsisisi, walang nangyari, walang buhay
* * *
bahlaks, Bullocks.
It’s just another day
Grabe. KSP ako. I have never been this KSP before. Ewan ko, let me rethink what I’m saying..
Two months na ata since huli kong post (oops, 1 month lang), kung KSP ako edi araw-araw na ko nagkakalat. Kaso..
At struggle na itong pagrerecollect ko sa sarili ko. Sa lagpas isang buwan na palutang-lutang ko. Parang wala ko na-achieve. Wala talaga yata. Nalaman ko lang na masarap matulog, at malamig na, at masaya mag 12 sky 2, at kung anu-ano pang mga trivial na bagay. Tapos di ko na matiis ang kahit anong idle moment, grr. Lalo na’t itong post na ito ay 1 day due na, dahil halos a day ago ay nagsulat ako ng title sa post na ito, pinaliban nang kaunti, tapos nakatulog na ko. Ayun na nga, pag-gising ko, wala na ko gana. Laki ng problema ko wtf.
Ang hirap nito, nasa state of equilibrium ako. Wala ko gusto gawin, at wala rin akong ayaw gawin. Hindi naman ako makakaisip ng ganito kung hindi ko na rin isusulat, dahil mapupunta lang yun sa ibang bagay. Nababaliw na ata ako.
At ako naman ay all talk.
May natutunan nga kong magandang gawin bago ko pumasok sa mga klase ko. Na sadyang hindi ko talaga ginagawa dati. At yun ay. ang paghubad ng kahit anong concept na meron ako sa mga bagay, at pumasok sa klase with a blank slate. Para hindi ako baliw.
Nabobobo na ata ako, kaka-12 sky ko siguro. Grabe. Or, di ko lang macollect sarili ko ng husto. Hindi naman yata ako nagkulang sa mga bagay-bagay, pero bakit andami kong kalokohan. Tapos isa lang naman sagot. Obvious pa. GRRR. Mapapa-epistemology shit pa ko dito at kung ano pa.
Bakit kaya hindi tayo sumusunod sa mga rational decisions natin?
Say, aalis na yung isang tao, pero ayaw mo siya umalis kasi gusto mo siya, hindi mo na sasabihin nararamdaman mo, kasi aalis na siya, at wala na ring mangyayari. Kung sasabihin mo ba, hindi siya aalis? Kung sinabi mo ba, hindi ka mahihirapan pagkakatapos? Which leads me to think, are we a sum of our experiences or our decisions? Do you become someone, or do you just decide to be someone? Joke lang mga ate, kuya.
Grabe ampathetic ko o.
Sasabihin ko pa rin sa sarili ko, it’s a good thing, kasi kahit anong deviation sa aking normal behavior will result in change. And any change is good, in my case.
Grabe sobrang fickle ko at undecisive. Ayoko na, bakit ako ganito?
* * *
Tungkol sa ibang mga bagay:
Antagal ko rin hindi gumagawa ng kahit ano, dahil busy ako gumawa ng ibang mga bagay. Nawala na rin yung manifesto ko, at ewan ko, ano ba? Everyday is a new experience. At ansaya-saya ng bawat araw, lalo na itong mga madaling araw blues na nakahiga ako at nasa harap ng laptop. Grabe. Nothing tops. Na tanging oras sa araw ko na ginugugol ko sa pag-eexplain ng mga bagay na nararamdaman ko. Bakit ako ganito? Bakit ako ganyan? And so on, and so forth!
Anyway, pa try:
I wanna creep up behind you
Place my lips on your cheek
And lick off your blush-on
* * *
Isa pa uli, para dun sa isa:
It breaks my heart to see you sad
and it breaks once more
because I’m not the one you’re sad for
(Grabe nastuck naman ako dito)
* * *
At ito pa uli para dun sa isa,
(Grabe mas nastuck naman ako, wala na)
* * *
Nangongolekta na pala uli ako ng mga films. Buti na lang narealize ko bigla nung isang araw na isa akong malaking ewan, at bakit ba hindi ko na lang gawin. Madaming talagang katotohanang di mo makikita kahit tingnan mo harap-harapan, kailangan may ibang sabi sayo. Kahit na truth is a strong word, at mula sa ilong na naman ako nagsasalita. Iba talaga kapag madaling araw at pinapapak ka ng mga lamok.
Kailangan ko lang tandaan na ako si Marvin, at ako ay wala.
Underneath
Buti na lang yung 300 pesos na lang ang dilemma ko, gusto ko pa naman sana bumili ng isang litrong firewater, so ang magagawa ko na lang ay, bilin na nga yun agad para di na ko gumastos ng kung ano for the week. At so far, mula sa aking et5 spree ay nakatipid pa ko (tipid in this case, is throwing away less than 2000 per week). Pero actually, hindi, ewan ko. Mag-stay na lang kayo ako sa bahay or matulog lagi, or mag take advantage ako sa ref na puno. Or pumunta na lang ako ng superlate, OR,magdownload ako ng kahit ano para may pampalipas oras ako ng matagal.
O kaya magMMORPG na lang ako, dahil medyo respectable na char ko at pwede na ko magwala. Ammahal naman ng kaligayahan, at ang bano talaga ng murang fire water. 200 pesos na bili ko dun a, wala pa ring kwenta.
Mukhang wala ko mapapanood this coming Monday nights dahil delayed ang mga episodes para sa Football Season. Kung yun man dahilan nun.
At ansarap ng feeling ng nakahiga ako uli dito sa aking kama.
* * *
Muli’t muli, wala kong mood para sa kahit ano. Hindi naman ako nagngangalit, o sobrang masaya, or kahit kaunting masaya, ito lang talaga, wala, at wala nang iba.
At muli, mas nakakatuwa pa rin na ganito lang, mag click “New Post” at hayaang bumaha ng kusa ang salita, na usually naman ay nagt-take form, at nagiging kaaya-aya. Hindi yung empty wall of text lang na kung ano. At hindi rin tipong essay na nilagyan lang ng [enter] after each line para maging poem. At least nakuha ko itong sensibility na ito uli noong naglalakad ako pauwi nung thursday ata yun, 2 weeks ago, na ito na yun, ang kaunting fruit ng maliit na exposure ko dun sa mumunting koleksyon, na ang aim lang ay para malaman ko ang lugar ko, at kung nasaan ba ako. At ito na yun, at least ko nakita ko ng kaunti sarili ko, at mahaba-mahaba ang lalakbayin. At nung pauwi nga ko kagabi, naisip ko na, masaya man ako sa sarili ko, alam ko pa rin lugar ko, at, at, at, di naman ako nagpapanggap na marunong, o kahit ano, ito lang, ako, na sumusubok, sa bawat araw, sa bawat gabi, sa bawat madaling-araw, gumagawa nitong bagay na pinaka-alam ko gawin (siguro), na ginagawa ko sa sarili kong paraan, sa sarili kong mga pamantayan, na siyang ginagawa ko na (fully, at least) tatlong taon na ang nakakaraaan (2009 pa lang pala no, at una kong nagattempt nito noong 2002, at muli noong 2004, tapos 2006. Mula 2006 hindi na ko huminto (nang matagal a, tipong more than 3 months).
Ito na nga lang talaga pinahahalagahan ko (ewan), tanging nag-s-set apart sakin mula sa aking immediate circle of friends. Kahit na we are a little each of everybody, 60% marvin pa rin ako (hindi niyo siguro ma-gegets allocation ko, but who cares!)
Ngayong 2009 going 2010, buti na lang, di ko na gaanong story of my life na, nobody wanted to know me. Pero actually, totoo pa rin, hindi ko na nga lang binibigyan ng ganun kalaking halaga, dahil 3 taon na rin, at futile na rin, at, I just don’t care anymore. Parang ganun pa rin naman aim nito e, I write shit here to know myself more. Labas dun sa sarili ko na medyo nobody sa labas, na nagbabago rin, dami ko nang inassume na identity a. O ngayon, wala na, ewan ko. Ibang-iba ata ako from last sem, hindi ko alam, paranoid kasi ako. Siguro kasi, nitong nakaraang kalahating taon, mas hindi ko na kausap sarili ko. Pero mukhang kakausapin ko na naman sarili ko ng husto. Wala pa rin namang makakausap kahit na mas marami nang online ng 1 to 2.30, at wala rin lalo mangangusap sakin, for one (dahil,siraulo ako, or ayoko sila kausapin, at mostly dahil hindi ako ganun, hindi ako friendly, epal ako), at kahit na mas marami nang online from 1 onwards, ang active time ko na ay hindi 11 to 3, more of 3 to 7 na. Wala lang talagang appeal sakin ang umaga, dahil wala naman akong gaanong social life, at galit ako sa mga tao, at galit rin sila saken. Ayan, gigising ako ng mga 12, 2, 3, at siyempre, napaka-empty ng mga oras na yun. Consequently, empty rin pakiramdam ko paggising ko. Tapos tuloy-tuloy na hanggang 7am kung kelan matutulog na ko uli.
Isa sa mga tema ng buhay ko yung new start, kung saan magpapalit ako ng personality at identity sa bagong set ng mga taong makikilala ko, kaso I think I know that well. Wala pa rin mangyayari, kung ngayon nga hindi mo yun magawa, pano pa kaya dun. Life sucks.
Kung papaulitin ko lahat, sana ay mas hindi ako nagtatanong, para normal ako, at masaya sa sarili kong mundo, na incidentally ay mundo rin ng lahat, (hindi ngayong, sarili ko lang talaga mundo ko). Tapos may obligatory, ignorance is bliss, and what you don’t know won’t hurt you shit ako, para ngayon, jesus freak ako, at achiever, at hindi insecure. Haha.
Kailangan ko pala ikwento yung panaginp ko nung isang araw, na, on normal occassions, ay sobrang depressing pero ngayon ay, meh, na lang. So sad. Actually, ang setting lang nun ay noong angelicum days ko kung saan, nasa gitna pa ang cubicle ng nanay ko sa Guidance office, kaso, malaki na ko nun, at parang iniignore daaw ako ng nanay ko, wala daw ako kwenta something, at parang tinatakwil niya ko. Grabe no? ;_; Anyway, habang umiiyak ako e sumusumpa pa ata ako na papatunayan ko sarili ko, alam niyo na yun, abundant yang image na yan, pero nagising na nga ko. Siyempre, ehh kung in my terms, angelicum days ay ang aking peak, at least, socially, at kung ano pa, dahil imba ko nung mga panahong yan, yung mga kaklase kong achiever na ngayon ay tinitingala ako noong panahon na yun. Well, ano na nangyari.Onga diba, ano na ba talaga gagagwin ko. And that’ll be the day na sumuko ako sa mga “pangarap” ko, and just give up, plain give up.
Siyempre wala na uli yung feeling na yun, na I would assume, ay dahil sa purposeful INC ko nitong sem, or even purposeful 5.0, ewan ko. At bihira ata na si Marvin Bernardino ay magkakaron ng Inferiority Complex, kasing bihira ng pagkakaron ni KG ng maayos na self esteem, ni MM without K, ni RG ng sense, ni K ng identity. Haha. Daming tao na K simula ng pangalan.
Siyempre nakausap ko si Sherminator na mas dreary ang situation sakin, at least, pero may masaya naman siyang relationship (sa tingin ko, ewan ko sa tingin niya), tapos sabi niya buong-buo pa rin naman ang mga gusto niyang gawin. Take note,” gustong gawin,” at hindi “pangarap.” Hay nako.
Siyempre uli, wala nang natitirang gawin kundi, mag-ayos, mag-ayos, at mag-ayos.
Kaya, kailangan kong kilalanin sarili ko uli ng husto, at magsulat, at lumago. In my own terms na naman, of course, ;_;
* * *
Sabi nga nung parang furry, you can’t worry about what-if’s my friend, you got to live in the moment. So far, hindi ako masaya ngayon, and I don’t care for other times. Aanhin ko yun, irrere-enact ko? Sabi nga ni pro-tein, “basta bago masaya ako”, kayo?
Boom!
Ansarap ng chilled shot of master hunter a. Lalo na kapag nasa freezer yung shot glass for about 2 hours. Lalo na kung mahal yung binili mong fire water, kaso 650 pesos lang. Lalo na rin kung gutom ka, ansakit sa tiyan.
Btw, ansaya makakita ng smile no? Kaso, I’ve been wearing this frown for 20 years now.
* * *
In the age of sloth
Here, I lay, on my bed
Listening to chirping birds
From my window
Feeling the cool warm air of
The urban dawn
I waited for morning
This whole night
I watched the sky
Turn from dark to light
The day blinks
and I yawn
The world wakes up
I hold on
To the still of the night
I sought refuge
To the still of the night
I was at home
Now I sit and wait
As the sun does her course
I close my eyes
And hope and wait
I close my eyes
Trying to wander through
This discolored day
Ruminating
What might have been
Playing
What would otherwise been
If I cease waiting
For you
To lie beside me
In my bed
Very much like
What the morning did
* * *
Boor’d
Grabe walang wala akong magawa. Ngayong 3:35AM ay nakikinig ako ng Rod Stewart Greatest Hits Disc 2, at nagkukuyakoy. Pero di dahil sa music, dahil wala lang talaga akong magawa. Ang hirap mag-isip ng gagawin Although may due pa ko na docu na talagang sobrang tinatamad akong gawin. Ugh. Grabe wala akong will for anything. Except sundae ng jollibee man or mcdo. After umalis ng et5 ng mga 2.30, sa bahay naman ako magkakalat. At ngayong hindi ako naglalaro, na-aamplify ang aking boredom time. Hindi naman ako feeling magnanimous para mag post ng kahit ano. Grabe. Patay na patay ang aking diwa.
Ayan, nag-shot na lang tuloy ako ng pagkasarap-sarap na Master Hunter, na serve chilled, and ice cold daw. How cold is cold? Baka mabasag yung bote.
Grabe wala naman akong makausap kundi si Deckard Cain na walang sinabi kundi, ‘Good to see you!’, ‘Well?’, ‘Hello!’ At ngayong hindi ko na siya kakausapin dahil magLOD break muna ko. Wala na uli akong kaharap kundi plain desktop, at firefox na may naka-on na Restaurant City, at Facebook|Home. At ym ko pala, ym na walang kwenta. Si Mr. nWo naman ay walang ginagawa kundi mantroll, or magtanong kung nasa et5 na ko.
Although napaka-comfortable ng kwarto ko as ever, with great speakers at comfortable bed, at masayang industrial electric fan, pati na rin yung masaya kong unan, wala pa rin, kung pwede lang na dito ako buong araw sa kwarto ko, kaso I will hungry, or magluluto at uusok sa loob ng bahay, or, io-on yung TV nang pagkalakas-lakas at iingay na sa labas, ayan, ayaw ko na dito. Tapos uuwi naman ako ng 3am, tapos 5am pa lang, super sloow na ko. Sad. Two hours lang window ko para sa kahit anuman, pero walang-wala ako inspiration or muse or anuman for anything. Si Mr. nWo lang nasa messenger list ko at nanonood lang yan ng anime, or natutulog, in both case, ay halos pareho lang effect. Ang hirap naman ng walang kabigan.
Kailangan ko ng Stress and Storm or hintayin ko na lang mabaliw uli ako para maipit ako sa mga bagay na hindi ko gagawin kapag sane ako. Kasi ngayon, I am in the middle of nothing. At ang mga bagay na napakalibot sakin ay masyadong unexciting or di lang ganun ka great enough para ma-move ako. Ni hindi man lang ako nags-stage ng war from my bed.
Ang hirap naman ng walang ginagawa!
Boon
Faggotry.
Anyway, naalala ko dati, nung galit ako sa mundo noong mga 6-7 years old ako, ewan ko, na naalala kong I wanna go out helping. Yung tipong nanligtas ako tapos namatay ako in the process, astig. Pero hindi naman yun tungkol sa niligtas ko, it’s all about me syempre. Ramdam ko na ata noon pa na ganun na. That’s how I wanna go, sasabihin nila. May issue ata ako sa magulang ko dati. Na pagkatapos ko maghikahos or matulog, ay makakalimutan ko na.
Ano ba naalala ko sa kabataan ko? Mga tanghaling wala. Paupo-upo, nakahiga, natutulog. Wala. Kung tatanungin ako kung ano ang definitive moment ng aking kabataan, sasabihin ko, yung mga oras na naghihintay akong matapos ang tanghali. which is 1 to 3.30 or 4, depende, kung saan nagpapanggap akong natutulog, or palakad-lakad ako sa loob ng bahay o nakatunganga lang sa tabi.
Life is so overrated.
Parang masasabi ko na ang buhay ay 90% waiting for things to happen.
Kahit ngayon, wala akong naiisip na ibang bagay na I’d rather do.
* * *