It’s just another day

December 8, 2009 at 4:13 am (faggotry)

Grabe. KSP ako. I have never been this KSP before. Ewan ko, let me rethink what I’m saying..

Two months na ata since huli kong post (oops, 1 month lang),  kung KSP ako edi araw-araw na ko nagkakalat. Kaso..

At struggle na itong pagrerecollect ko sa sarili ko. Sa lagpas isang buwan na palutang-lutang ko. Parang wala ko na-achieve. Wala talaga yata. Nalaman ko lang na masarap matulog, at malamig na, at masaya mag 12 sky 2, at kung anu-ano pang mga trivial na bagay. Tapos di ko na  matiis ang kahit anong idle moment, grr. Lalo na’t itong post na ito ay 1 day due na, dahil halos a day ago ay nagsulat ako ng title sa post na ito, pinaliban nang kaunti, tapos nakatulog na ko.  Ayun na nga, pag-gising ko, wala na ko gana. Laki ng problema ko wtf.

Ang hirap nito, nasa state of equilibrium ako. Wala ko gusto gawin, at wala rin akong ayaw gawin. Hindi naman ako makakaisip ng ganito kung hindi ko na rin isusulat, dahil mapupunta lang yun sa ibang bagay. Nababaliw na ata ako.

At ako naman ay all talk.

May natutunan nga kong magandang gawin bago ko pumasok sa mga klase ko. Na sadyang hindi ko talaga ginagawa dati. At yun ay. ang paghubad ng kahit anong concept na meron ako sa mga bagay, at pumasok sa klase with a blank slate. Para hindi ako baliw.

Nabobobo na ata ako, kaka-12 sky ko siguro. Grabe. Or, di ko lang macollect sarili ko ng husto. Hindi naman yata ako nagkulang sa mga bagay-bagay, pero bakit andami kong kalokohan. Tapos isa lang naman sagot. Obvious pa. GRRR. Mapapa-epistemology shit pa ko dito at kung ano pa.

Bakit kaya hindi tayo sumusunod sa mga rational decisions natin?

Say, aalis na yung isang tao, pero ayaw mo siya umalis kasi gusto mo siya, hindi mo na sasabihin nararamdaman mo, kasi aalis na siya, at wala na ring mangyayari. Kung sasabihin mo ba, hindi siya aalis? Kung sinabi mo ba, hindi ka mahihirapan pagkakatapos? Which leads me to think, are we a sum of our experiences or our decisions? Do you become someone, or do you just decide to be someone? Joke lang mga ate, kuya.

Grabe ampathetic ko o.

Sasabihin ko pa rin sa sarili ko, it’s a good thing, kasi kahit anong deviation sa aking normal behavior will result in change. And any change is good, in my case.

Grabe sobrang fickle ko at undecisive. Ayoko na,  bakit ako ganito? :(

*     *     *

Tungkol sa ibang mga bagay:

Antagal ko rin hindi gumagawa ng kahit ano, dahil busy ako gumawa ng ibang mga bagay. Nawala na rin yung manifesto ko, at ewan ko, ano ba? Everyday is a new experience. At ansaya-saya ng bawat araw, lalo na itong mga madaling araw blues na nakahiga ako at nasa harap ng laptop. Grabe. Nothing tops. Na tanging oras sa araw ko na ginugugol ko sa pag-eexplain ng mga bagay na nararamdaman ko. Bakit ako ganito? Bakit ako ganyan? And so on, and so forth!

Anyway, pa try:

I wanna creep up behind you

Place my lips on your cheek

And lick off your blush-on

*     *     *

Isa pa uli,  para dun sa isa:

It breaks my heart to see you sad

and it breaks once more

because I’m not the one you’re sad for

(Grabe nastuck naman ako dito)

*     *     *

At ito pa uli para dun sa isa,

(Grabe mas nastuck naman ako, wala na)

*     *     *

Nangongolekta na pala uli ako ng mga films. Buti na lang narealize ko bigla nung isang araw na isa akong malaking ewan, at bakit ba hindi ko na lang gawin. Madaming talagang katotohanang di mo makikita kahit tingnan mo harap-harapan, kailangan may ibang sabi sayo. Kahit na truth is a strong word, at mula sa ilong na naman ako nagsasalita. Iba talaga kapag madaling araw at pinapapak ka ng mga lamok.

Kailangan ko lang tandaan na ako si Marvin, at ako ay wala.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.