Too Much.

January 3, 2010 at 7:17 am (faggotry)

Anyway. Bago ko gumawa ng malaking kalokohan, at magbulalas ng mga wala, kailangan isipin ko muna sasabihin ko, at wag mag alt-tab sa kahit ano.

Earlier on, I felt so bad that I took out the left over chicken from new year’s and fried it, drank a whole lot of coke, and sat, watching this thing called my most favorite show of all time. Suddenly, I realized, why the hell am I watching this terrible show that is always full of itself. I know these guys are great, but why are they putting it out like this? I know! Because, they are just being themselves, and I can’t do anything to appeal to them because they are thousands of kilometers away, and there are other millions of fans just like me. They won’t change because of me.

Sa sobrang pathetic nung palabas na nagtaka ko na 1 hour pala halos, inisip ko talaga, ano ba to, sumusubok pa ba to? Kaso nagulat ako patapos na pala. Which means ang interest ko ay crescendo. Yuck! Ibig sabihin, natutuwa na ko nung huli, gusto ko pa, kahit na bwiset na bwiset na ko, first fifteen minutes pa lang. Tapos gusto ko pa panoorin ulit ngayon.

Kaso di ko na yun gagawin dahil malapit na mag 7am.

Kaso uli, lagi ko cinocorrect sarili ko. Ako ay isang taong self reflective, at mahilig akong icontradict sarili ko. Wala namang masama kung gusto ko ayusin lagi sarili ko no. Ewan ko. (Ayan ginawa ko uli.)

Anyway, kanina, akala ko naka-apak na naman ako ng inspiration, kasi ampanget ng pakiramdam ko, sabi ko gagawa na ko ng something called-”It’s All Too Much” post. Kaso, napag-isa lang ako sandali, I mean, total silence, naisip ko na, hay ang oa ko lang, intindihin ko dapat yung isa, Kaso uli, fresh na uli yung naramdaman ko kanina.

Eto yun. Naalala ko kasi kung bakit ganito ako, kung bakit lagi akong nags-set-up ng line ng mga gagawin ko, kung bakit lagi ko iniisip mga ginagawa ko (na sa totoo ay lang di ko na maalala ngayon, kasi inaantok na ko, at kanina ko pa nabuo yung iniisip ko na yun at nakalimutan ko na), at lalo na yung, “di ko yun gagawin” part. Ewan ko, Nababadtrip kasi ako, kapag nag-invest ako tapos di ko naman makukuha yung payment. Pero, I don’t wanna be that guy who gives everything, what a sorry picture. Ayoko ng taong walang respeto sa sarili. Ayoko madiri sa sarili ko. Nakita ko lang sarili ko nakikipag-usap sa taong hindi nagrereply, namamatay ako inside. Naalala ko yung mga dati kong pauso na: “alam kong hindi ka magrereply, pero sasabihin ko pa rin to” Yuck uli! Masyado akong nagpapasaya ng mga tao, at nagagalit ako kapag may tao akong pinasaya na ayoko. Well hindi naman sa nagagalit, pero ayaw ko lang nun. At napapathetican ako sa sarili ko kapag 5:1 ang nangyayari, 5 lines, 1 line reply. Kawawa naman ako, parang trying too hard. Isipin mo, 10 hours ako online, tapos wala ko ibang ginagawa, naghihintay lang ng reply. Kaso, iba yata ginagawa ko sa sinasabi ko. Ayoko man, napipilitan ako gawin yun. Kasi hindi ko rin naman matiis yung tao.  Yuck uli. Buti na lang ngayon, hindi na ko ganun ka-bulag. Ang isa lang talaga sa kinaiinisan ko e, masaya yung tao dahil pinasaya ko. Tapos irereject ka pagkatapos.

Kaso ganun lang talaga ang buhay.

Tingnan mo kung hanggang saan umaabot kapag may self esteem problems ka. Naninira ka ng ibang tao. I mean, ginagawa mo silang alcoholic, smoke-aholic, vice-aholic, life-hater. Bawat araw sasabihin ka ng: “buti ka pa masaya”. Lagi silang nakaupo sa tabi ng ilog, ng lake, ng open field, at nakatunganga, or naninigarilyo. Dati wala ako pakialam, pero ngayon, galit na lang ako. Parang ang healthy magalit.

Ayan. Anyway natutuwa ako dahil hanggang ngayon may self esteem problems ka pa rin, good luck with that. Ayoko na maging bitch mo. although self-imposed bitchness yun, sorry kasalanan ko, nagpa-uto ako sayo. Aaaand, so long. Enjoy your hell.

Hay ansarap sabihin.

Anyway, ansama ko uli. Lagi naman akong masama. So walang bago dun.

Dami ko inconsistencies sa sarili ko, at mahirap alisin yun, at least sinusubukan ko. Hindi ko na kasi masyado iniisip buhay ko. Anyway, basta dapat, ang constant ay lang, everyday, I should be a day wiser. Kung may tinuro saken elementary school years ko ay, maghanap ng “moral lesson”.

Anyway. If-flatter ko pa sarili ko kung sasabihin ko na 3 tao nagbabasa nito (kasama na ko sa bilang na yun), andami-dami mo palang ginawa para saken, at maraming salamat, and I love you for that!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.