Insanify
Dahil kailangan ko na uli mag-organize, aabot na rin kasi sa 2 months yung entries ko sa windows calendar, at marami talaga ko kailangang ayusin, lalo na’t nauubusan ako ng oras para sa mas “di-mahahahalagang” mga bagay. At dahil nacornihan ako ng husto sa sarili ko kanina.
Ayun. Matapos ang lima? Ay, tatlo lang. Tatlong taon, bumalik ako sa dating gawi, (ay apat ata). Naulit ang mga bagay kahit sandali lang, at nakita ko sarili ko muli na kini-kwestiyon lahat ng ginagawa ko. Kanina habang bumibili ng masarap na malamig na one-liter C2, naisip ko, magpabasa kaya ako sa ulan, at magpakasaya. Kaso, alam na alam kong magkakasakit ako pagkatapos. Mahihirapan sa pag-uwi. Tapos na yata ako sa mga ganun.
Naglalakad na naman ako sa tausend insel Taft. Natalsikan rin ako ng baha, kaya napalinis ako ng bag ko. Pati ng electric fan. At naglaundry na rin. Masayang may na-aachieve. Kaso sa mga bagay-bagay ngayon, naisip ko na kailangan na ngang magtala, lalo na’t kailangan gumawa ng paper tungkol sa internship na dalawang buwan na ang nakalipas, nakalimutan ko isipin ng isang buwan halos. Hindi rin kasi ako gumawa ng talaan. Nawawala pa ata yung time table ko.
Dahil kadiri rin ako sa kabibohan sa PI 100, at dahil nadaanan ko yung ilang mga nabanggit, at dahil lumagpas na ako sa small talk milestone ko. Masasabi ko na normal na yata akong tao, 95% na. A year ago, nasa 50-60% lang. Two-Seven years ago, 5%. Sa anim na buwan kong namuhay sa ngayon– sa Now, nakamit ko naman ang mga inihatag kong mga ninais mabago. Malaking pasasalamat sa iyo—
Pero normal na ata ako, pero mas abnormal na problema ko ngayon. Napagtanto ko na naghihintay na ko, nang tahasan, sa agos. Andami ko tuloy naiwan. Kung tutuusin matatapos ko na lahat yun, nito lang, naset na yung stage, i-act out ko na lang. Kaso nga, nawawalan ako ng gana.
Dahil palibhasa, may ibang mga sagot sa mga problema.
Buti na lang mas maunawain na akong tao.
Hindi na nga ganun kabigat mga subject ko, saka pa ko nawalan ng gana. STS, MS 1, PI 100, CW 151 na Young Adult Literature (na di pala sobrang intense), kaso Film 200 pa, ang kaganapan ng aking pagiging filmmaker kuno. Pati rin pala Film 132 ata yung documentary film. Na lahat ay di naman ganun kahirap gawin, except yung Film 200. Ang hirap talaga sa creative courses kapag walang wala kang gana at pera pampagana (yung pondo para sa karangyaang wala).
Yung oras na dapat iginigugol ko sa panonood ng pelikula, napupunta sa ibang mga bagay, lalo na sa pagtulog. Buti na lang tambay na ko ng library ngayon. Gusto ko talaga umulit. Sobra.
Kaya ito ngayon, magsusulat na uli ako, tungkol sa wala, ang aking specialty.
* * *
Kung tutuusin, mas masarap may kausap. Kaso kumakaunti na ang mga sinasabi ko sa pagdaan ng panahon. Kaya, dito na lang uli, sa sulok na di matatagpuan. Dalawang oras na nilaan para sa walang katuturang talakayan.
Hello and mabuhay.
* * *
Sabi kanina ni vice chief s ng EEE, live long and prosper.
Natutunan ko uli na si TH Pardo the traitor na sila pala yung binullshit ni one luna. poor chiching, at maming, shot by the fiery lunas.
Naalala ko pala na kailangan ko magbasa ng marami pang mga voltaire.
Naalala ko rin na kailangan ko gumawa ng twenty page essay tungkol sa isang bagay na nakalimutan ko na.
Ayun pa pala, gusto ko sana maglaan ng ilang mga oras para magbasa tungkol sa maaarine science sa library mismo. Bilang review.
Nakakalimutan ko rin pala mga natutunan ko, well at least buo ang diwa. Ibig sabihin lang nun, kailangan ko pa magbasa-basa pa ng marami. Para saan? Wala actually.
At sa totoo lang parang andami kong ginagawa, na talaga namang significant, sa context ng pagsusulat ko tungkol sa buhay-buhay, na hindi ko sinusulat.
Kailangan ng talaan!
Namimiss ko na magalit. Shit!
– baha kanina sa taft to city hall