Start Somewhere
Andaming nangyayari sa mundo, at parang nawawalan ako ng panahon magsulat. Marahil, busy, pero sino ba hindi. Tapos ako? Busy? Wow ha.
Huli ko pala na sinulat ay crashing.
Sa ngayon, wala akong ginawang nakakacontribute sa ikauunlad ng ating tinubuang lupa. Babawi ako next time. Ewan ko ba kung bakit di ako ma-all out mode. Parang laging temporary lang kapag naffire-up ako. Sana manifestation lang itong lahat ng isang personal problem na di maayos-ayos. At kapag natupad na iyon, may paninindigan na ko. And all will be well. Mag-eexperiment ako ngayong week! Ako ay mag-a-alone mode. Lahat ng bagay ay gagawin ko ng mag-isa. Huwag aasa sa iba. Huwag ibabase sa iba ang opinyon. Tumindig sa sariling paa! Go, go, go!
Ansaklap no. Tatlong taon na halos na nakabase ang sarili ko sa ibang tao. Wala namang definitely Marvin-like ngayon. Ako ay loose-collection na lang ng iba’t-ibang tao.
Kadiri ako.
Pero mas maraming kadiring tao.
Pero hindi yun reason to not be un-kadiri.
——————————
SHIT. ELITISTA AKO!
——————————
Hindi lamang iilan
Maraming beses ko nang pinalampas
Ang pagkakataon na magsimula ng
Bagong lungkot at saya, bagong istorya
Di lang diyan, pati dito, pati doon
Nagkita pa lang, nagpapaalam na
Hindi lamang ngayon
Magtatatlong taon nang umiikot
Gumugulong pero di umaandar
Sa ganuong kahabang panahon
Pati sa dami ng pinagdaanan
Dapat sana’y umuland na ng husto
Ngunit, tingnan mo ang mga mata ko
Hindi makatingin ng tuwid sayo
Nagpupulot pa rin sa kalat mo
Hindi dapat ganun
Masyado kasi akong nag-iisip
Ganito kasi ito, ganito kasi iyon
Sa unang tagpo, nakita ko na
Ang maaaring maging pagtatatapos
Pinangunahan ko na, wala, wala
Wala marahil na mangyayari ditto
Hindi pa rin iyon
Hindi talaga iyon, wala lang yun
Napakahirap lang tumanggap ng
Pag-tanggi, matinding pagkatalo
Mabuti nang isiping wala, kaysa
Pagdusahan ng husto, hanggang sa dulo
Mahirap talagang sabihin na
”Gusto kita,
Maari bang makilala kita ng husto?’
o di kaya
‘Mahal kita, pwede bang maging tayo?
=======================
YUCK
Keeps Them Away
Sa mga gabi na tulad nito
Salat sa antok, salat sa musa
Walang maisip o iniisip
Di makatulog, ayaw matulog
Sawang-sawa na sa paguulit-ulit
Ng mga gabi na sobrang lamig
Di makakaila na tumalon
Ang aking puso ng kahit unti
Nang matanaw ko ang larawan mo
Isang pagsilip sa nakaraan
Nagpapaalala sa panahong
Lumipas ng wala man lang banggit
Anong nangyari, anong nagdaan?
Sa tagal ay lalo pang nanabik
Tila di na kita napapansin
Iba na daw ang iyong itsura
Iba na rin ang aking pagtingin
Ikaw ay di ko na nakikita
Magaling kang tumakbo’t magtago
Di ko na hinanap at hinabol
Ngunit sa kaunting lingon, sulyap
Nabigyang halaga mo ang gabi
Sayang nga’t wala nang mangyayari
Sa ngayo’y nagbabaka-sakali
Mamulat at makita ka muli
Makausap ka ng buong gabi
—————————————
Antagal ko naman gumawa! Pero totoo nga, kasawa-sawa itong ginagawa ko. At sadyang gumugulo na naman ang mundo. AT BAKIT ANDAMI KO NANG BLOG?
Halos lahat ng mga naisip ko kanina ay limot ko na.
Wala talagang reliable. Itong isa parang ano eh kung mag-ano naman eh, akala mo na kung ano, tapos ano lang pala. Grabe ano?
Para san pa yun pagpipigil ko sa sarili ko, eh wala rin palang mangyayari.
Idrive mo na nga! Malay mo magcrack.
Inert
Hindi ko na alam ang gusto kong gawin
Kunin mo na lang gusto mo at saka ka umalis
Bakit hindi niyo na lang ako hayaan, di niyo rin naman ako kukupkupin
Kahit minsa’y di man lang tanungin ang aking nais
Kanya-kanyang saksak, hila, at pisil
Laruan na lang ba ako na maaring hiramin?
Na dalian mong ililigpit matapos mong gamitin
At kung ika’y humiling,
Mistulang gunaw ang iyong mundo kung ika’y tanggihin
Ngunit kung ating susuriin
Wala namang namamagitan sa atin
Ni wala ka man lang sinasabi,
At wala ka rin namang sasabihin.
———————————————
Oh diba? former style?
Ayoko na sana mag-ganito pero na inspire ako ng mga lumang makata, at napag-isip-isip ko na dapat kong i-improve ang aking sining. Kung sining ba itong maituturing.
Kung anu-ano nangyari sakin no! Pero bilang ngayon, sasabihin ko lang yung kanina:
Umuwi ako ng bahay ng 8:30am. Naturuan ako ng mga mahahalagang bagay sa hum1. At wala na, wala nang nangyari.