Snort
Sa paglaon –
Itong nagsimulang puti at busilak
Ngayo’y bahid na ng dugo
na malansa
ngunit sariwa
mainit-init pa
At ang lupa kong inaapakan ay
Kumakatas pala ng dugo
Kaya’t nararapat na gawing
Mahinahon ang pagyabag
Dahil magma-mantsya ang paa
Mabuti na lang ay
Manhid na ang ating ilong sa amoy
Kaya’t di pa umaakyat sa utak
ang alimuom
Hindi pa naririnig ng tainga
ang alulong ng mga mukha sa lupa
Kulang pa yata na
dakmain ang kanilang binti
ng mga kamay na wala
Ngunit marami-rami ring
Nasa ibabaw ng lupa na ngayo’y
unti-
unting
nilalamon
ng lupa
Lupang kinaroroonan ng ama’t ina’t angkang
– pampalusog sa lupa
At lahat ng ito’y hindi mo alam
Sapagkat masayang magdala ng malaking espada
o krus
At magsalita tungkol sa pag-ibig
O kumantot
O manantsing ng kaibigan
Nakakatamad ring kumilos dahil
Maaari mo namang takpan
ang lupa
– ang sahig
ng linoleum
o marmol
At matalino yata ako’t nagiisip
Dahil 180 IQ ako
Alam na alam ko ginagawa ko
At lahat ng karapatan ay mayroon ako
Sa akin umiikot ang mundo
At puti ang kulay ng damit ko
Ngunit wala naman talaga akong pakialam
Dahil lagi akong tama
At sa sapatos mo galing
Ang imprintang mantsang ito
Sa maputi kong damit
Steps
Swell.
Nagising akong uneasy. Kasi kung anu-ano napapanaginipan ko. Tapos akala ko may event nung 10am eh, 12 na yata ako umalis sa pagkakahiga. Wala pala. Sa monday pa.
Tapos namigay na naman ako sa jci. Tapos kumain kami kina Vic! Tapos naglaro ako ng Company of Heroes. Tapos wala.
Wala na naman.
Pero eto lang. Di ako responsableng tao, tapos badabim-badaboom. SHIEEET.
Wala na kong pera. Tapos batch-head pa yata ako.
Being Born
Birthday ko kanina, bago umalis sa burol ni Monico Atienza, isa sa mga bayaning di kilala ng karamihan. Na sana’y makilala pa mas maraming madla.
Woo! Woo!
Anyway. May org na ko sa wakas!
Bagong tao na siguro ako. Isang malaking hakbang nga eh, isang gabi lang. Parang whim nga lang eh. Pero hindi! Ipagbuti!
Anyway uli. Ansaya kanina.
Ang fierce rin pala ng tunog ng MRT. Grabe lang. Nakakatakot. Woo!