A Secret
You’ll never know how much I really love you
You’ll never know how much I really care
— Ang first lines ng isang sikat na Beatles song. But, but, but, marami namang taong masaya nang walang alam, or, masaya sa iniisip nilang alam nila. So why shouldn’t I? Kaso, medyo veteran na ko ng mga mga unknown things, at kung pano kokontrolin ang isang verified piece of information. Let’s not get our hearts into our heads.
At ito uli ang isang other people post: nakakatuwa yung mga taong — WAIT, wala na kong gana for sarcasm, o anuman, sasasabihin ko na lang how disgusting this kid right here. Ayun, ewan ko kung bakit ok ka dapat sa lahat ng taong kausap mo, as in overt sinungaling, nakakainis, no balls, WTF, bottom feeder, my god! At itong si bottom feeder ay sobrang baba na tatawanan mo siya kahit magalit siya, at napaka despicable kung paano siya umarte patungo sa ibang tao. Nakakabadtrip. Arggg.
Iiwas nga uli ako. Ito hirap saken, basta nagagamit ko, ayos lang, kaya mobile ang relationship ko sa ibang tao. Kaso wala talaga silang will para magbago.
Teka, meron pa.
Ewan ko ba, kung di naman mababa tingin sa sarili, sobrang taas naman, ewan ko ba kung saan nila napupulot sensibilities nila.
Teka, nagd-die down na hate ko. Hmmph. Piff.
* * *
Andami mong sinasabi! Puro cosmetics lang naman!
Nasampolan na naman ako ng mundo ng mga taong superficial, sa likod ng maskarang api, at kung anu-ano pa. Andaming niyong tawag sa mga bagay-bagay, kayong lahat! Kanino ba kayo nagpapakitang-gilas? Sa ibang tao o sa sarili niyo? Bumalik na uli kayo sa mga imagined conflicts niyo sa buhay niyo.
* * *
Pero ok lang yan, bata pa kayo. Marami pa kayong mau-unlearn.
* * *
Wala na naman akong gana for anything. Kanina hopeful pa naman ako na, na-babaliw na uli ako. Kaso, no. At pasingit lang, being ignorant is not cute. Dumadami na naman ang mga full-days (mga araw na full time ang pagkakaron ko ng free time), ano na gagawin ko? Magkukulong sa bahay. Maglalaro. At naisip ko uli kanina na, nasave ng paglalaro ko sarili ko, para di ako mabaliw. Kaso being crazy is good. Parang nung isang araw lang, na nanggagalaiti ako sobra, at uminom na lang ako ng quick 2 shots ng Jager para makatulog ng masaya. Bibili pa pala ako.
Dahil wala nang swimming. Ippredict ko na gagawin ko sa gabi-gabi, or araw-araw. Gigising ng 1-3pm, magluluto or bibili ng lunch, internet, whatever, tapos bahala na 5 to 10 kung ano gagawin ko. Tapos sa gabi, work out, write, and sleep. Tapos ulit uli.
Wala naman talaga tayong mapagkakatiwalaan. Sana noon pa lang, I’ve learned how to play the game. Para ngayon, master ko na ang art ng not letting them know that you’re playing.
* * *
Regress
Ako’y isang dukha. Nabubuhay ako sa kahit anumang makita ko sa ref na nakakalat, tulad nitong chocnut, o kaya e, mga piraso ng karne, oo, piraso, na buwan na atang naiwan dun. Malamang ang lunch ko ay pancit canton, na hindi pa sa pera ko binili, kundi nilimos ko lang sa kapatid ko. Tubig na rin lang iniinom ko, or kape, at sana hindi rin yun maubos. Ayoko ng ganitong buhay. Haha.
Andami ko atang nagastos bigla, di ko namalayan na 5k na pala ginastos ko in a span of 2 weeks. Grabe naman, samantalang wala naman akong imbang binili. Sabi ko pa naman hihingi ako ng 1k para sa prods, tapos ginagamit ko na pala. Kawawa naman ako, nagugutom tuloy ako ngayon.
Buti na lang may masking tape ako na pang-prod sana, at ginamit ko ito para makita ang october picture ng aking Norma Jean calendar. Nagugutom ako!
Kaya para makatipid ng gutom, siguro natutulog na lang ako lagi. Yung tulog na, kakatulog ko lang e, matutulog ako uli, tapos yung mata talaga e parang laging nakapikit, mahirap na idilat. At kadiri ako dahil tulog ako ng tulog.
Huling sulat ko ay noong 22 pa. Halos isang buwan akong hindi nagsulat. Siguro dahil walang kwenta araw ko, at walang ka-kwento-kwento. Ah, oh, yan sige, bumili ako ng 60 peso-siomai pack na di ko halos naramdaman ulit. Tapos wala ko ginawa sa et5. Ah sige, pumunta ako ng Ace Hardware, tapos walang nangyari, tapos umuwi ako, blah blah, blah blah. Wala!
Pwede ko ring sabihin na may nakaimbak akong masarap na Jager diyan sa ref, na binili ko bigla noong unang araw ng pera ko. At sa susunod bibili na lang ako ng whiskey, at iinom ko rin onti-onti. Masaya pala uminom paunti-unti. Yun lang. Kaso sinayang ko itong maraming araw na masaya ang buzz ko kakalaro ng LOD. Na, as expected, ako na lang ang naglalaro.
Hindi ko alam.
Dami ko naisip lately na poem-plans, pero di ko nasulat, kasi busy ako sa ibang bagay. Sasabihin ko na rin dito, dahil baka makalimutan ko. Tungkol nga sana sa ating body response when nothing’s going to change it anymore, and that is, crying. Sob, Sob, Sniff, Sniff.
Masaya sana gumawa ng mga imaginary battles na naman ngayon, kaso hindi pa ko nag-t-total imaginary war. Dahil hindi ako particularly inclined ngayon to give battle. Saka na siguro, kapag nashave ko na itong bigote ko, na nakaka-bother. Ho lawd. Malapit na mag december.
And yes, we are all destined to be lonely.
* * *
Obscene
Offensive to the current standards of decency or morality
sabi ng wiktionary, pero bakit ba ko naglalagay ng title? para di lumayo sa topic. pero hindi yun importante, or binding. kaya go go go.
Andami ko pa namang hindi aaminin or hindi sasabihin sa kahit kanino. Kahit pa siguro sa sarili ko. Kaso nakaka-inspire itong transgressive fiction kuno.
So halina’t magpaka-pmp mmdnd, at icelebrate ang ngayon. Way ow, sabi nga nila noong elementary days. Lumaban na rin tayo sa pagiimpose, and I say Go!
* * *
Bago ako magsimula, kakaiba rin na talagang yung poem kuno, na prose talaga na nilagyan lang ng [enter] sa context ng ating modernnnn world. Kailangan ko na ma-educate, at ma-bigyan ng primer. May libro naman ako no? Bakit di ko basahin?
* * *
Teka, uli, dati kugn iimagine ko sarili ko, habang nandito ko sa harap ng laptop na nagsusulat, iniisip ko na, nasa taas ako ng bundok overlooking a sea of fog, or, outside, feeling the wind against my face as I drive out towaaaaaaaaards the sunset, or curled up sa kama ng iba, kasama yung iba, at nakatingin sa kisame at well, iniisip na I will remember this, ORRR, nandito pa rin kaso nandito yung iba, at masaya kaming nakasandal sa wall habang nakaupo sa kama, at well, masayang naguusap tungkol sa wala, pero sa totoo, ngayon, kung ilalagay ko sarili ko somewhere else, ito pa rin naiisip ko, nakaupo sa harap ng computer, half naked, kaka-coke lang, at parang pinapawisan kahit nakafull blast ang electric fan saken. Grabe, hindi na ba ko humihiling? Hindi na nga!
Naglalakad pa naman tuloy ako towards the light. Kaso sorry, babalik ako dito sa dilim, kung saan ako at home. At habang papunta dito, I will celebrate my loneliness. Kakasimula ko lang sa bago kong manifesto (na actually, ay di naan against sa iniisip ko ngayon), may bago na uli ako. Weird for weird’s sake na tayo. This is as good as it gets.
Boom!
* * *
Buong gabi man akong
Magiipon ng dilim,
ng lagim,
habang madilim
Iniisip ang mga bagay na
Di ko kayang gawin, kailanman
sa liwanag man
o kahit sa dilim
Kahit walang nakatingin
kahit ikaw lang
kahit mata ko lang
ang saksi
sa lagim
na iniipon ko ngayong gabi na
balak ko sanang gawin
sayo
mamaya
kapag wala nang dilim
dun sa sulok
sa lilim man ng bubong
o ilalim ng langit
Na balak ko sanang gawin
hanggang maglilim
hanggang lumabas ang mga bituin
hanggang umakyat muli ang araw
o kung kaya pa sana e,
hanggang umulit muli
ang mga bituin
Kaso,
mamaya, pag wala nang dilim
Itong mga binabalak ngayong
madilim
Ay masusunog at maliliwanagan
ng anti-dilim
ng liwanag
ng dilim
At bigla kong mawawala
makakalimutan ang inipon kong dilim
Saka na siguro uli pag ako’y tumino
at di ko na isipin ang iisipin
ng mga taong maliliwanag na dilim
ng mga taong madilim na nagliliwanag
Saka na siguro kung saktong
tumino ako
at ika’y nabaliw
At kayong lahat-lahat ay nabaliw
Dito tayong dal’wa o tatlo o dalawa
sa dilm
sa silong ng bubong
sa ilalim ng langit
Dito natin bubuohin muli
ang inipong lagim
ng mga araw na hindi madidilim
Dito natin gagawin
ang lagim
ang maliwanag na lagim
ang masayang lagim
Dito tayong dal’wa o tatlo o dalawa
naglalagim
habang madilim
Dito tayo gumawa ng dilim
hanggang umulit muli’t muli
ang mga bituin.
* * *
Pathos
Natagpuan ko, actually, tinuro, itong isang laro na naging dahilan para mag 3 day binge ako. Ang hirap naman ng walang payong.
At itong napanood ko lately lang ay “I can’t fap to this” incarnate. Dahil hindi kinaya ng aking insides ang emotional turmoil na bnrew niya. Dahil nga sa pag-bibinge ko ay di na kaya ng mata ko ang number 1 ng electric fan kong bakal. Nagugutom na uli ako. Grabe nakakagutom pala ang paghihiga no?
Sobrang wala akong gana. Sa sobrang kawalan ko ng gana ay tinatamad ako magsulat, at gumawa ng kahit ano. Wala na rin akong sense of time. Ano na ba? Hindi ko alam! Tapos mag-c-cram na lang ako bigla. Masyado kasi akong nakatunganga lately kaya ayan, gumawa ako ng wala. Sa sobrang unwinded ko, parang andaming turn ang hahabulin ko para bumalik sa normal. Nagsisimula na rin ako magkaron ng imaginary ailments. Pero sobrang totoo nitong gutom ko.
Matapos ang tatlong pandesal. Ano na? Wala!
Tamad daw ba ako? Yes, unfortunately.
* * *
Strong word.
Accueil
Sabi ni R., “hate is a strong word, and accurate.”
At naisip ko yata to kanina nung nasa tricycle ako, meron kasing salamin dun sa loob, at tinitingnan ko lang sarili ko for more than 5 minutes. Tinitingnan ko si early marvin, na may linya sa mata na peculiar, tapos may bigoteng pang-kontrabida. Ito na yun e, itong dating itsura ko, say, mga dalawa, tatlong taong (actually, isa lang yata) nakaraan.
Sabi nga ni P., “I’m livin’ it baby, I’m living it.”
The dream.
Itong shit na naperfect (well, na-hone) for more than three years. Itong bagay na ako lang ang nakakaalam, at nakaka-intindi. Na kahit basahin ko paulit-ulit, hinding hindi ko babaguhin.
Kasi, “that’s the way I like it.”
* * *
Anyway, naalala ko nung binasa ko yung Crime and Punishment na di ko na-enjoy siguro dahil hindi ako Russian, at di ako kasing jesus freak ni dostoevsky, pero sa kanya na yun. Na off-an ako dun sa pagtatali niya sa dulo, at sige umiyak kayo dian sa tabi ng ilog, na parang walang breadth (kung anuman yan) di tulad nung mga makikita sa buong nobela. At parang nakakahiya si dostoevsky, isang writer na kinulong, after makulong, nagtino. Wow. Parang pacifist character lang ni Sartre sa No Exit. At kahit kanino ko pa sabihin ito, tingin lang makukuha ko.
At least iniisip ko na hindi ako nag twisted na imahe ng lipunang ginagalawan ko. Sana naman ibang lipunan lang. San ko kaya nakuha to? Sino ba nagpausong mapunta ko dun. Edi sana masaya akong nagpapaka-mediocre, hindi itong punung-puno ako ng alinlangan. Nasa baba na nga, naka baba pa lalo.
* * *
Pinalaki ka upang
magpakalaki ng ibang
magpapalaki
At hinihingi sa iyo na
ibigay ang lahat sa pagpapalaki
at isuko ang lahat pag tapos lumaki
Matapos buhusan ng pagkalaki-laki
Bilang ganti
Sa bandang huli
Kahit papaano man ay
mayroon kang
kaunting
ma-ipagmamalaki
* * *
Iyo na Yan.
Kanina, naisip ko, definitely, na hindi na ko medyo nihilist. I am nihil.
Hindi lang ako nagiging nihil kapag, nagsasalita na ko. Which is now.
Gusto ko ma-remember ako ng mga tao na, kung saan sila sayang-saya,
Nasa sulok ako, naka cross-arms, naka-simangot. Yung tao na —
Tatawa lang pag tumawa na kayo lahat. At ang tanging tawa na
Mangagaling sa kanya, ay hindi tawa at all, more of scoff, Scoff
At yung tawa niya, di galing sa bibig, galign sa ilong
Kapag tinanong mo siya, itataas niya lang balikat niya
Kapag tinanong mo siya, sasabihin niya, hindi ‘ko alam e.
Paborito niya ring sabihin ang, “di bale”, “ok lang yan”, “go lang”
Go lang.
————————————>
Grabe o, naka-tatlong bato agad ako in a span of 2 weeks. Eh kung nagpakanormal na lang ako. Edi masaya siguro ako, masayang masaya, yung kasing saya ng nag celebrate ka ng birthday, tapos namatayan ka pagkatapos. Ma-fefeel mo siguro na dun ka pinaka-masaya. Pero maling metaphor yun. Ano nga ba yung metaphor (sabi ni R.)?
So ano ba gusto niyo pag-usapan?
Pera? Pamilya? Pag-aaral? Pag-ibig? Pag-kilos?
Ano pa?
Philosophy? World View?
Ano pa uli?
Si friend? Si classmate? Si classmate ng friend?
O baka gusto mo na lang ikwento araw mo?
–
Ohh La La
Kapwa tayong tulala –
nakatingin sa isang sulok
ng mata
ng mundo
ng buhay
ng ating mukha
Nag-iisip para sa sarili
para sa kanya
para sayo
para sa iba
Gumagawa, kumikilos
dahil gusto mo,
dahil gusto niya
dahil gusto nila
Kapwa tayong tulala
tuwid ang mukha
nakangiwi, nakasimangot
lumilingon habang tulala
tulala habang tulala
Di alam ang iisipin
kundi ang binigay ng iba
yung tinuro ng madla
na swak sa mga tulala
sa mga nagiisip, sa mga tulala
Kapwa tayong nagiisip –
habang tulala
habang hindi nag-iisip
habang tulala
habang ika’y tulala
sa kakaisip
habang ako’y tulala
nakatingin
tulala
tulala sa iyong mukha
The Great Nobody
At tingin ko wala na talaga ko utang sa isang clause ng aking manifesto, kaso dun sa isa, marami, at yung isa, babayaran ko pa lang. Go, go!
3 hours lang ako natulog pero parang nabawi ko naman dahil stuck ako sa traffic nang pagkatagal-tagal, at kadiri ako, nakakatulog ako habang nakatayo, especially sa lrt. Grabe, nagigising lang ako kapag nagbuckle na knees ko at akmang mahuhulog. Nagugulat siguro mga katabi ko.
Maipagmamalaki talaga natin ang Rio Grande de Espana and its many tributaries, in fact may lake pa nga ata e, Espana de Bay. Achievement rin na hindi nabasa sapatos ko kahit dalawang beses ako nag commute through Espana.
Hoh no. Dreams are made to be broken.
Kaso you seize life with slow but firmly planted steps, not with quick, haughty strides and treads. Poom!
Grabe Jologs convention ata kanina sa esem. Kadirdirs.
At hindi kaya i-fight off ng isip ko ang pagod ng katawan ko.
Plork.
Si Iglap
Edi ayan lumanbas nga ko, kaso, wala lang, suot ko ang aking yellow shirt at corduroy short, at walang ginawa, nagsayang ng pera siguro? Tapos naglakad na lang kami ni Mr. Satyr papuntang makdUN. At, nag-usap naman, nagtanong ng what’s wrong with me, at kumain ng masarap na cheeseburger.
Buti pa tong Mr. Satyr, full of life. Kaya i-f-follow ko na ang kanyang weltanschauung, yung Pangloss way. Sabi ko pa naman, subok ng subok, hindi ba’t yan rin ang inaangal ko dun sa isa.
Buti na lang hindi na ko maarte ngayon. Wee-ow.
At ansarap ng patatas con mountain dew.
Game:
Ay hindi pa!
Buti na lang hindi na ko umaangal kung para san ba sinusulat ko, hindi na nga nagtatanong kung para kanino. Ang kailangan ko lang malaman ay kailangan ko magsulat. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil ay kailangan ko ng pan-track ng iniisip, sa pagdaan ng panahon. Kapansin-pansin rin nga na puro “rant” na lang ginagawa ko. Ayos lang, di naman to entertainment blog, ito ay almost private blog, na tinututok sa langit, at sinisindihan. Wushh. Pitow.
Buti na lang isa na lang or halos bayad na utang ko sa bago kong manifesto, second clause. Ayaw ko rin isipin na dahil sa potato juice ko yun. At least step forward, diba?
Ayan game na talaga:
——————————
Dito lang ako sa likod mo
Habang hinahanap mo ang kagandahan ng mundo
Dito lang ako sa ibabaw ng iyong anino
Habang tinatahak mo ang mga paliko-liko
Dito lang ako sa tabi ng kanto
Habang ika’y pasilip-silip, payuko-yuko
Dito lang ako sa bangketa, nakaupo
Habang ika’y nagliliwaliw, patakbo-takbo
Dito lang ako,
nag-iisip,
nagkukunwaring nag-iisip
Dito lang ako,
hinihingal, napapagod
nagkukunwaring di napapagod
Dito lang ako,
sumusunod, humahabol
Sa kabilang dalampisagan ng kabataan ko
Sa usok at panghi ng lansangang ito
Sa ilalim ng asul, dilaw, at kahel na bubong
ng tahanan ko
Dito,
sa loob ng aking anino
Nandiyan ka lang.
Nandito lang ako.
—————————–
May utang pa kong dalawa!
Potestatum
Meron akong due na dalawang (tatlo na) pumpon ng salita, pati dalawang eksena, pero buti na lang, natapos ko na ang aking grand holy roman campaign, at anlakas ko, as usual.
At tinuloy ko lang itong post dahil wala talaga kong gana, nakaka-antok kasi sa kwarto ko, hindi ko alam kung bakit, at nagugutom ako ng sobra. Natagpuan ko pa yung O Fortuna, na lubos kong ikinatuwa dahil poser ako. Gusto ko rin sana lumabas dahil mula sa aking bintana, nakikita kong napaka-ganda ng sky o, yung masayang kind of blue, tapos clear, parang wallpaper, idyllic, at nasa bahay ako nakahiga at nagt-type habang nakikinig ng rhapsody in blue, kung anuman yun. Sa boredom ko pa ay sinimulan ko ang russian campaign, at matagal-tagal na struggle na naman yun. Tapos kapag feel na feel ko nang magsulat, wala naman saken to. At walang ka-fire-up-fire-up tulad nang kapag tinamaan ka ng purportedly, ligaw na bala!
Sabi dun sa nilalaro ko, according to Saadi:
When you see contention amongst your enemies, go and sit at ease with your friends; but when you see them of one mind, string your bow, and place stones upon the ramparts.
Wala lang, madami kasi akong imaginary na kaaway. Di ako mapakali lagi! Woo!
At napaka-inviting ng great outdoors, gusto ko na lumabas.
Totoo na to mamaya, at lumalaki na utang ko.